Agosto 27, 1859 nang barenahin nina Colonel Edwin Drake at William Smith ang unang balon ng langis sa mundo sa Titusville, Pennsylvania.
Dahil sa nadiskubreng ito, umunlad ang iba’t ibang Pennsylvania oil towns, at hinahanap ng mga manlalakbay ang yaman na matatagpuan sa maliliit na nayon gaya ng Oil City at ang Petroleum Center.
Bago iyon, kumukuha ng petrolyo ang mga tao sa pamamagitan ng nakapapagod na proseso ng pagmimina at sinasala ang mga bato mula sa langis.
Ngunit humanap ng paraan sina Drake at Smith na magamit ang oil spring, at ginalugad ang kakahuyan gamit ang isang steam engine at barena.
Isang scientist ang nakadiskubre na ang langis ay mahalagang sangkap ng kerosene.