LAKE CHAD (Reuters) — Halos kalahating milyong bata sa paligid ng Lake Chad ang nahaharap sa “severe acute malnutrition” dahil sa tagtuyot at pitong taong himagsikan ng militanteng grupo na Boko Haram sa hilagang silangan ng Nigeria, ayon sa UNICEF.

Sa 475,000 na itinuturing na nanganganib, 49,000 sa estado ng Borno, Nigeria na balwarte ng Boko Haram, ang mamamatay ngayong taon kapag hindi sila nakatanggap ng lunas, ayon sa United Nations’ child agency, na umaapela ng $308 million para matugunan ang krisis.

Sinabi ng UNICEF na sa kasalukuyan ay $41 million pa lamang ang natatanggap nito, 13 porsiyento ng kinakailangan para matulungan ang mga apektado sa apat na bansa - Chad, Nigeria, Niger at Cameroon – na nakapaikot sa Lake Chad.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina