260816_NDF_POW_Pacquiao copy

Isinuko ng National Democratic Front (NDF)-Southern Mindanao ang dalawa nitong prisoner of war (POW) kay Senador Manny Pacquiao.

Ayon sa non-government organization na Exodus for Justice and Peace, isinagawa ang pagsuko bilang goodwill gesture kaugnay ng isinasagawang peace talks sa Oslo, Norway.

Inilabas ng grupo ang larawan ni Sen. Pacquiao katabi sina Senior Insp. Arnold Ongachen at PO1 Michael Grande, na may bandila ng New People’s Army (NPA) sa likuran.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Isa sa mga government facilitator si Pacquiao na tumanggap sa mga bihag.

Si Ongachen ay hepe ng Governor Generoso Police sa Davao Oriental, habang tauhan naman si Grande ng Banaybanay Police sa Davao Oriental.

Nitong unang bahagi ng linggo, inihayag ng NDFP na palalawigin nito ang pitong-araw na ceasefire na inilabas ng CPP para maisaayos ang pagpapalaya sa limang prisoner of war, kabilang na sina Ongachen at Grande. (Yas D. Ocampo)