Pinatawan ng Sandiganbayan ng 18 taong pagkakakulong si dating Vilaverde, Nueva Vizcaya Mayor Rodrigo Tabita, Sr. sa pagkabigong ma-account ang pondo ng bayan na aabot sa P4.3 milyon noong 1993.

Paliwanag ng anti-graft court, inilabas nila ang nasabing hatol matapos mapatunayang nagkasala si Tabita sa kasong malversation.

Bukod dito, pinagmumulta rin ang dating alkalde ng P4,372,595.73 at diniskuwalipika na rin sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Tinukoy ng korte na ang naturang pondo ay cash advances na inilabas noong 1993 hanggang 2001.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naging matibay din ang prosekusyon sa kaso makaraang magharap sa hukuman ng 87 voucher upang patunayang natanggap ni Tabita ang salaping inilabas ng munispyo upang mabayaran ang mga gastos katulad ng travel expenses, school supplies, repair expenses, and expenses para sa iba’t ibang proyekto.

Hindi rin makatanggi ang akusado at inaming madalas niyang ginagawa ang pumirma sa mga blangkong tseke dahil nakagawian na umano niya ito noong alkalde pa, ngunit hindi ito pinaniwalaan ng hukuman. (Rommel P. Tabbad)