WASHINGTON (Reuters) – Hinarass ng apat na barko ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran ang isang US warship noong Martes malapit sa Strait of Hormuz.

Sinabi ng isang opisyal ng US defense noong Miyerkules, na dalawang sasakyang pandagat ng mga Iranian ang lumapit sa USS Nitze sa distansiyang 300 yarda lamang at maituturing na “unsafe and unprofessional.”

Tinakot ng mga sasakyang pandagat ng Iran ang ang destroyer sa isinagawang 12 beses na “high speed intercept” at halos dikit na distansiya sa Nitze sa kabila ng paulit-ulit na babala, ayon sa opisyal na tumangging pangalanan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina