boxing copy

Change is coming.

At maging sa konsepto ng TRUST Amateur Boxing Challenge 3, pagbabago ang isinulong ng organizer para mas maging kapana-panabik at maaksiyon ang mga laban nitong Agosto 20 sa Robinsons Antipolo.

Sa bagong konsepto, ang mga napiling kalahok na sumalang sa tryout ay hinati sa dalawang grupo: Team North at Team South. May tig-pitong pares ang nagkaharap sa magkakaibang weight category.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ang mga nagwaging boksingero ay nag-uwi ng medalya at cash prize na P3,500. May karagdagang P7,000 bonus para sa koponan na nagwagi sa overall championship.

Maliban sa boxing, magkakaroon rin ng mga perya booths na pwedeng salihan ng mga manonood habang hinihintay ang pagsisimula ng bakbakan.

Marami ang nagbago subalit hindi pa rin mawawala sa programa ang mga pa-raffle kung saan namigay ang organizer TRUST Condoms ng mga bagong kagamitan sa bahay. Tuloy pa rin ang pagpapasaya ng mga celebrity performers at ang pagrampa ng mga FHM models bilang mga ring girls.

Layunin ng TRUST Amateur Boxing Challenge 3 na linangin ang sportsmanship at athleticism sa mga kalalakihan.