BUKAS, Agosto 27, 2016, nakatakdang ipulong ng abogadong si Salvador “Sal” Panelo, chief legal counsel ni Pangulong Duterte, ang isang grupo ng Visayan media practitioners at ilang leading citizen na nagrerepresenta ng iba’t ibang sektor.

Si Panelo, na siyang may ideya na patakbuhin si Pangulong Duterte bilang president, ay inaasahang ipapaliwanag ang mga plano para sa reporma ng Konstitusyon sa isasagawang fellowship dinner at induction ceremonies ng mga officer ng 59 na taong gulang na Aklan Press Club, Inc. (APCI) sa Kalibo, Aklan.

Sa kanyang huling talumpati noong nakaraang Martes, na binasa para sa kanya ni Rep. Alfredo B. Benitez sa isang forum sa Marriott Hotel, na inisponsoran ng Business Mirror at ECCP, at iba pang supporting organizations, ipinaliwanag ni House Speaker Alvarez na ang pederalismo ay makatutulong sa autonomous regions upang maisip ang kanilang potensyal bilang self-governing units.

Federal Philippines Rising? Sa forum, na may resource speakers na bumuo ng representations ng kani-kanilang bansa gaya ng Germany, France, at Canada, nilinaw ang iba’t ibang isyu kaugnay sa pederalismo. Ang forum na iyon, na inorganisa rin ng mga nangungunang business newspapers, ay kinakailangang isagawa sa iba’t ibang parte ng bansa upang lubusang maunawaan ng ating mga kababayan ang kahulugan ng pederalismo bago ito tuluyang yakapin bilang sarili nating sistema sa pulitika.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Walang duda, isa si Secretary Sal Panelo sa pinakamahuhusay na tao ni Pangulong Duterte na mapagkakatiwalaan sa paglulunsad at pagbuo ng plano para sa reporma ng Konstitusyon.

Samantala, hindi pa tuluyang nakakapagdesisyon ang Supreme Court (SC) kung papayagang mailibing si dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ang tanging nagagawa pa lamang ng SC ay ipalatag sa magkakasalungat na partido ang kani-kanilang mga dahilan kung bakit dapat o hindi dapat ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Una, si Marcos ay naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas at nagsilbing commander in chief ng Armed Forces of the Philippines. Ano pa ba?

Plano ng ilang media organization na magsagawa ng forum sa iba’t ibang parte ng bansa tungkol sa pederalismo sa pakikipagtulungan ng Business Mirror na nagdaos ng isang matagumpay ng forum noong nakaraang Martes. Nagpahayag naman ng suporta ang Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines, sa pamamagitan ng kanilang president na si Alan Sison, para sa proyekto ng Business Mirror. (Johnny Dayang)