NAG-IIBA-IBA ang iyong brain activity depende kung ikaw ay may ginawa o nagpapahinga – at sa pagkakaiba ng mga aktibidad na ito maaaring malaman kung gaano ka katalino, ayon sa bagong pag-aaral.

Natuklasan ng mga researcher na ang taong magkapareho ang brain activitity habang nagpapahinga at habang may tinatapos na mental task ay mas epektibo itong nagagawa kumpara sa taong magkaiba ang brain activity sa kanilang resting state at kapag nagtatrabaho.

Sa pag-aaral, sinuri ng mga mananaliksik ang brain scan sa 100 na malulusog na matatanda na lumahok sa Human Connectome Project, isang ongoing neuroscience na hakbangin na isinasagawa ng mga researcher at marami pang institusyon sa U.S., kabilang ang University of SouthernCalifornia at Harvard University. Hiniling sa mga kalahok na umupo nang tahimik habang isinasagawa ang isa sa mga brain scan para makita ng mga scientist ang itsura ng kanilang utak sa “resting state.” Pagkatapos, sinabihan ang mga kalahok na sumailalim sa serye ng congnitive test habang ini-scan ang kanilang utak.

Sa bagong pag-aaral, isinama ng mga scientist ang brain scan na kuha sa mga kalahok habang may language task, reasoning task, at memory task, ayon sa pag-aaral.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Pinagtuunan ng pansin ng mga researcher ang networks of neurons na gumagana kapag nagpapahinga ang tao at kapag nagsasagawa ng congnitive tasks. Napag-alaman nila na mas mainam na natatapos ang tasks ng mga kalahok na may parehong brain activity habang nasa resting state at habang isinasagawa ang task. Iminumungkahi ng pagkakapareho ng dalawang state na ang utak ay maaaring lumipat sa isa pang state nang walang gaanong kahirapan, ayon sa pag-aaral.

Sa katunayan, ipinahiwatig sa nauna nang research, na mas epektibo ang brain activity ng mas matalinong indibiduwal, saad ng mga researcher sa kanilang pag-aaral na inilabas noong Agosto 16 sa The Journal of Neuroscience.

Iminumungkahi rin ng mga researcher ang dalawang posibleng paliwanag kung bakit maiiuugnay ang mas epektibo na pagbabago sa state ng brain activity sa magandang performance sa isang task. Sa una, may tao na ang utak ay bahagya nang nakahanda para magtrabaho mula sa pamamahinga. Kinakailangan lang ng maliit na paggalaw o pagbabago sa brain activity ng indibiduwal upang makapagtrabaho nang maayos, saad ng mga researcher.

Hindi pa malinaw kung ang pattern ng resting at working sa brain activity ng isang tao ay maaaring baguhin, sabi ng mga researcher.

Gayunman, “If researchers could figure out a way to make people’s brain connectivity networks more similar when they are at rest compared to when they’re performing tasks, they could potentially improve people’s cognitive abilities,” pahayag ni Michael Cole, assistant professor sa Center for Molecular and Behavioral Neuroscience sa Rutgers University-Newark sa New Jersey at co-author ng pag-aaral, sa isang pahayag. (LiveScience)