Regular holiday sa Lunes, bilang paggunita sa National Heroes Day kaya’t pinaalalahanan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang tamang patakaran sa pagbabayad ng sahod ng mga manggagawa.

Ayon sa labor laws, ang panuntunan sa pagbabayad sa mga manggagawa sa Agosto 29 ay ang mga sumusunod:

• Kung hindi pumasok sa trabaho ang empleyado, siya ay dapat bayaran ng 100 porsiyento ng kanyang sahod sa araw na ito [(Daily Rate + Cost of Living Allowance) x 100 percent];

• Kapag nagtrabaho sa regular holiday, ang empleyado ay dapat bayaran ng 200% ng kanyang regular na sahod sa araw na iyon para sa unang walong oras [(Daily Rate + Cost of Living Allowance) x 200%];

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

• Kapag nagtrabaho ng mahigit sa walong oras (overtime work), ang empleyado ay dapat bayaran ng karagdagang 30% sa kada oras na bayad sa naturang araw [(hourly rate ng basic daily wage x 200% x 130% x number of hours worked];

• Kapag natapat ang regular holiday sa araw ng kanyang pahinga (day off) at nagtrabaho ang empleyado, siya ay babayaran ng karagdagang 30% ng arawang bayad na 200% [(Daily Rate + Cost of Living Allowance) x 200%] + [30% (Daily Rate x 200%]; at,

• Kapag nagtrabaho nang mahigit sa walong oras (overtime work) ang empleyado sa panahon ng holiday na tumapat sa kanyang day off, siya ay dapat na bayaran ng karagdagang 30% ng kada oras na bayad sa naturang araw (Hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x 130% x number of hours worked). (Mina Navarro)