Payag si Pangulong Duterte na magpatuloy ang online gambling sa bansa ngunit may kondisyon.

Ayon sa Chief Executive, papayagan niyang muli ang online gambling basta’t magbayad ang mga operator ng buwis at ilayo ang kanilang operasyon sa mga paaralan at simbahan.

“Ibabalik ko yung online provided that taxes are correctly collected, and they are situated or placed in the districts where gambling is allowed, which means to say, not within the church distance and schools, papayag ako,” sabi ni Duterte nitong Miyerkules.

Sinabi ng Pangulo na galit siya sa online gambling, nagsimula sa Philippine Gaming and Amusement Corp. (Pagcor), na nagkalat kung saan-saan na maging ang mga menor de edad ay nakakapaglaro at walang tamang paraan ng pangongolekta ng buwis.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

“Pay the correct taxes, you gamble your debt until you die, I do not really care” aniya. (Elena L. Aben)