LA PAZ (Reuters) – Binugbog hanggang mamatay si Bolivian Deputy Interior Minister Rodolfo Illanes ng mga nagpoprotestang trabahador sa minahan matapos siyang dukutin, iniulat ng local media noong Huwebes, batay sa pahayag ng isang radio station director na nagsabing nakita nito ang bangkay ng opisyal.

Hindi pa opisyal na nakukumpirma ang pagkamatay ni Illanes.

Gayunman, sinabi ng gobyerno na ang 56-anyos na si Illanes ay dinukot at nanganganib na pahirapan matapos siyang pumunta sa Panduro, may 160 km ang layo mula sa La Paz, para kausapin ang mga demonstrador umaga ng Huwebes.

Humihingi ang mga nagpoprotestang minero sa Bolivia ng pagbabago sa batas. Naging bayolente ang sitwasyon nitong linggo matapos harangan ng mga ito ang isang daan. Dalawang manggagawa ang namatay noong Miyerkules nang barilin ng mga pulis, at sinabi ng gobyerno na 17 opisyal ng pulisya ang nasugatan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina