SINORPRESA ni Madonna ang 400 fans na dumalo sa anniversary screening ng Madonna: Truth of Dare sa Museum of Modern Art sa New York City noong Miyerkules.

“She came out to support Alek Keshishian, her longtime friend and director of the celebrated documentary,” sabi ng source sa People. 

Nakasuot ng red off-the-should dress, napakaganda ng ngiting nakihalubilo si Madge sa kanyang fans.

Orihinal na inilabas ang Madonna: Truth or Dare noong Mayo 1991 at sinundan ng matagumpay na 57-show Blong Ambition Tour na lumibot sa buong mundo.

Catriona ibinuking katangian nina Anne, Jericho bilang co-stars

Ang Agosto ay buwan ng pagdiriwang para sa superstar.

Kababalik lang ni Madonna mula sa kanyang birthday trip sa Cuba kasama ang mga anak, kabilang ang kanyang estranged son na si Rocco. Si Madonna, na ina ng apat, ay tumuntong na sa 58 anyos noong Agosto 16. (People.com)