CABANATUAN CITY - Masaklap na trahedya ang sinapit ng isang 74-anyos na lalaki na aksidenteng nabundol at nagulungan pa ng rumaragasang bus sa Maharlika Highway sa Barangay Quezon District sa lungsod na ito, habang nagbibisikleta, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng Cabanatuan City Police ang luray-luray na katawan ng biktima na si Ernesto Obedoza y Artap, 74, may asawa, ng Purok 3, Bgy. Bantug Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungong Cabanatuan City ang Hino Bus D’Liner (CWS-976) na minamaneho ni Jorge Orpia y Pajela, 40, ng Bgy. San Jose, Maria Aurora nang aksidenteng mabundol ang matanda na noon ay nagbibisikleta sa gilid ng highway.

Nakaladkad umano nang halos pitong metro ng bus ang matanda, na nagulungan pa ang katawan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya si Orpia at kinasuhan na ng reckless imprudence resulting to homicide sa City Prosecutors’ Office. (Light A. Nolasco)