Nag-uwi ng pitong medalya si International Master of Memory Jamyla Lambunao ng Marikina City habang nagtala ng dalawang bagong national record sa paglahok nito sa Hong Kong Memory Championship noong Agosto 13-14 sa Kowloon, Hong Kong.

Ang 14-anyos na estudyante sa St. Scholastica’s Academy Marikina ay nagwagi ng ginto sa Random Words event matapos ang perpektong mamemorya para sa pagkakasunod ng 98 salita sa loob ng limang minuto upang burahin ang kanyang dating national mark na 92 word.

Nakakuha ito ng isa pang ginto at nagtala ng Philippine record matapos maalala ang 702 binary digits sa limang minuto.

Ang dating rekord ay 660 digits ay hawak ni Grandmaster of Memory Mark Anthony Castañeda.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Nagwagi rin si Lambunao ng apat na pilak at isang tansong medalya sa kada taon na torneo na nilahukan ng top memory athletes mula Japan, South Korea, Malaysia, Singapore at host Hong Kong.

Itinala pa ni Lambunao ang dalawang personal best marks sa dalawang event na Random Digits (500 digits sa 15 minuto) at ang Shuffled Deck of Cards (44.98 segundo).

“Jamyla’s performance in Hong Kong was exceptional by setting new national records despite her young age. The amount of information she can store in her mind now has surpassed a lot of adult memory athletes,” sambit ni Bernadette Bonita, memory enhancement coach ni Lambunao.

Ang matagumpay na kampanya ni Lambunao sa HK Championship ay sinuportahan ng F.O.R.D. (Friends of Rody Duterte).

‘‘We hope to find more Filipino memory athletes who can participate and continue to bring accolades for our country in mind sport tournaments internationally,’’ sambit ni Bonita.