Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwersa ng pamahalaan na iwasan na ang pakikipaglaban sa mga rebeldeng komunista.

Ito ay nang magsimula noong Miyerkules ng gabi ang tigil-putukan na ipinatutupad ng pamahalaan, kasabay ng pitong araw na ceasefire naman ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), habang isinasagawa ang usaping pangkapayapaan sa Oslo, Norway.

“It’s 11:35 p.m., As of today, I am declaring a ceasefire so I’m joining the Communist Party of the Philippines (CCP) in its desire to seek peace for this nation,” ayon sa Pangulo sa Davao City.

“I am ordering the Armed Forces of the Philippines pati ang Philippine National Police as of today, meron tayong ceasefire so we avoid hostile actions against each other, we do not go into any antagonistic behaviour in front of whoever,” dagdag pa ng Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinimok din ng Pangulo ang pulis at militar na maging ‘friendly’ sa rebeldeng grupo.

Ang ceasefire ay idineklara ng Pangulo matapos makuha ang consensus ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at lahat ng military commanding generals. (Genalyn Kabiling at Fer Taboy)