Edu Manzano 2 (1) copy copy

NAKUNAN ng pahayag si Edu Manzano sa presscon ng kinabibilangang Someone To Watch Over Me serye ng GMA-7 tungkol kay Luis Manzano at sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola.

Tinanong si Edu kung pormal nang ipinakilala sa kanya ng panganay niya si Jessy, gaya ng pagpapakilala nito sa inang si Cong. Vilma Santos nitong nakaraang buwan.

“I met her years ago through her mother (Didith Garvida), pero hindi ko pa siya na-meet nu’ng sila ni Luis,” bungad ni Edu.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ano ang impression niya kay Jessy?

“I think she’s a very nice girl. I have not spent enough time with her for me to give you a better picture who Jessy Mendiola is.”

Wala naman daw siyang tutol kung sakaling magkatuluyan ang dalawa.

“As a father who loves his son very much, kung saan maligaya ang aking anak, andu’n ako,” malumanay na sagot ng aktor.

Hinihintay lang niya kung kailan ipapakilala ni Luis si Jessy sa kanya.

“If it comes, it comes. It will happen, (like) with all of my children naman, eh. Last night, I had dinner with my other son at ‘yung kanyang girlfriend. So, ako naman, may buhay din sila, eh, and I will never impose.”

Nagbigay din ng komento si Edu sa sinasabing pinagsabay ni Luis sina Angel Locsin at Jessy. Napabalita kasing nagdi-date din sina Luis at Jessy habang mag-on pa sina Luis at Angel.

“Alam mo, it’s defeating the purpose, ‘yung Internet. ‘Yung Internet was created to form associations, to form friendships. Now, it’s breeding a culture of hate. I think we’re losing the very essence kung bakit may Internet.

“‘Pag makita mo ‘yung bashing, not just one ngayon but even during the elections, parang napakalalim nu’ng galit, ‘yung anger, ‘yung passion.

“Napakainit ng dugo nu’ng ibang mga troll diyan at nu’ng mga nagba-bash when they don’t even know who they’re bashing. Para lang makapag-bash, ‘yung iba nagba-bash lang.”

Buwelta pa ni Edu, “Sana we should take a step back and try to remember kung bakit nagkaroon ng Internet. It was supposed to foster friendships with people from all over the world kasi wala nang boundaries, eh.

“Ang mundo ay naging flat, but now kung titingnan mo, it’s breeding a culture of hate,” makahulugang bitaw ni Edu.

(ADOR SALUTA)