250816_NBP_druglink_matrix_01 copy

“De Lima, you are finished. Tapos ka na (sa) sunod (na) election.” Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ipalabas nito ang ‘drug matrix’ na nagdidiin umano kay Senator Leila de Lima at ilan pang personalidad na umano’y sangkot sa ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon sa Pangulo, malamang ay binabangungot na si De Lima dahil sa matrix, kung saan nakasaad din ang pangalan nina Justice Undersecretary Francisco “Toti” Baraan III, dating Pangasinan governor at ngayo’y 5th District Rep. Amado Espino, dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Bucayo, umano’y ex-lover ni De Lima na si Ronie Dayan; provincial administrator Raffy Baraan, at board member Raul Sison. Sina Espino at Bucayo ay dating police officials.

Matapos ilabas ang matrix, sinabi ng Pangulo kay De Lima na “By the way, you look nice. Fighter talaga. Fighter Talaga.”

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Koneksyon

Sa matrix, makikita lang ang arrow na tumuturo kay Ronnie P. Dayan na umano’y boyfriend ni De Lima simula noong pinuno pa ang huli ng Commission on Human Rights (CHR).

Nakasaad na si Dayan, na nagsimulang drayber ni De Lima ay kilala umanong “Boss De Lima” o “case fixer” sa Urbiztondo, Pangasinan.

Tumatanggap umano ito ng monthly payola mula kay Gen. Bucayo sa pamamagitan ni SPO 1 Palisoc ng PRO1 (Police Regional Office 1).

Si Dayan ay kilala umanong drug user sa Urbiztondo, at binigyan ni De Lima ng house and lot, Montero, Kia Sedan, pera, at tinanggap na empleyado sa Justice department si Jonathan Cardeso Caranto base na rin sa rekomendasyon ni Ronie.

Isa pang arrow ang tumuturo naman kay Toti Baraan na umano’y “trusted Usec” ni De Lima at naging supervisor ng Bureau of Corrections (BuCor).

Mula kay Baraan, tumuro naman ang arrow kay Bucayo na umano’y naging regional director ng Police Regional Office 1 dahil sa tulong ni De Lima.

Nang mag-retire, naging BuCor chief ito at nag-resigned din matapos umanong masangkot sa illegal drugs sa ahensya.

Tumuro naman ang arrow kay Espino na nahaharap sa kasong plunder. Nakapiyansa ito sa kasong illegal mining.

Sinasabi pang si Espino ay “sangkot sa black sand mining, quarrying at jueteng.” Nakasaad din sa matrix na ayon kay BM Raul Sison, si Gov. Espino ay pinakamayamang pulitiko sa Northern Luzon at mayroon itong “unexplained wealth.”

Nasa matrix din ang pangalan ng kapatid ni Baraan na si Raffy Baraan, umano’y loyal follower ni Espino. Naging provincial administrator ito pero dinismis ng Ombudsman dahil sa black sand mining at quarrying.

“He was used by Espino to cover all illegal activities” and “he knew about all illegal activities of Espino,” ayon sa matrix.

Gustong makaharap si Digong

“I want to see the President at mabigyan naman ako ng chance at makapagpaliwanag.”

Ito naman ang reaksyon ni Espino na umano’y lubhang nagulat sa matrix.

Sa ginanap na press conference kahapon sa Star Plaza Hotel sa Dagupan City, sinabi ni Espino na nalungkot umano ang kanyang buong pamilya sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa droga.

Sinabi ni Espinosa na isinusulong niya ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, sa katunayan, awtor pa nga siya ng Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act.

Intresado si Espino na malaman kung sino ang nagbigay ng impormasyon sa Pangulo, kasabay ng pagtiyak na wala siyang koneksyon kay De Lima.

Pagsisisihan mo ‘yan --- De Lima

Inilarawan naman ni De Lima na basura lamang ang pinalabas na “drug matrix” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Was it a joke? Like most of his jokes before, this latest one he will surely regret. But yes, please amuse me at how his men have desperately tried to link me with the “Muntinlupa Connection” flick. Where is the so-called drug link or link, It does not surprise me anymore to hear it from someone who had long professed to destroy me at all cost,” ayon kay De Lima na nagsabing wala umanong makikitang ebidensya ang Pangulo na mag-uugnay sa kanya sa droga dahil hindi naman umano ito totoo.

“As I have often said, I will not dignify any further this so-called ‘drug matrix’ which any ordinary lawyer knows too well, properly belongs to the garbage can. Lahat po ng arrow, palabas sa pangalan ko. Wala pong tumuturo papunta sa akin,” ani De Lima.

Idinagdag pa ng Senador na kahit 12-year old ay kayang gumuhit ng katulad ng matrix na ipinalabas ng Pangulo.

Nanawagan si De Lima sa Pangulo na tigilan na umano siya, bilang regalo sa kanyang nalalapit na kaarawan.

(Liezle Basa Iñigo) (Genalyn Kabiling, Antonio L. Colina IV at Leonel Abasola)