Hindi pa rin nagbabago ang lakas ng bagyong ‘Dindo’ habang ito ay nasa karagatang sakop ng Northern Luzon.

Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si ‘Dindo’ ay huling namataan sa layong 1,010 kilometro Silangan-Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.

Paliwanag ng PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging 165 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 190 kilometro bawat oras.

Ito ay patuloy na kumikilos pa-Timog-Kanluran sa bilis lamang na pitong kilometro kada oras.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

Kahapon ay wala pang isinailalim sa public storm warning signal (PSWS)sa alinmang bahagi ng bansa.

Sa kabila nito, tiniyak ng PAGASA na walang mga lugar sa bansa posibleng tatamaan ng bagyo.

Pero, babala ng PAGASA, dapat na asahan ang makulimlim na panahon sa bahagi ng Luzon, partikular na ang Metro Manila dahil sa hanging habagat na hinahatak ng bagyo. (Rommel Tabbad)