Pinagpapaliwanag ngayon ni Northern Police District (NPD) Director chief Supt. Roberto Fajardo ang Caloocan Police sa halos araw-araw na vigilante killings sa lungsod.

Sa mga report na nakakarating sa NPD, halos araw-araw umanong may pinapatay ang Caloocan Death Squad (CDS), isang grupo ng mga vigilante, na may kaugnayan umano sa illegal drug activities mula sa una hanggang ikalawang distrito ng Caloocan City.

Ipinatupad ni Fajardo ang direktiba matapos mapanood sa closed-circuit television (CCTV) camera ang pagpatay ng 10 lalaki sa tricycle driver na si Michael Young, 40, ng No. 1345 DM Compound, Heroes Del 96, Barangay 73 ng nasabing lungsod.

Pinagbabaril ang biktima habang nag-aabang ng pasahero sa kanilang terminal sa kanto ng 10th Avenue, Bgy. 160, dakong 10:00 ng gabi noong Lunes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pag-atakeng iyon ng mga vigilante ay patunay na walang kinitatakutan ang nasabing grupo dahil kahit maraming tao ay pinapatay pa rin nila ang kanilang target.

Ayon sa opisyal, dapat pagtuunan ng pansin ng Caloocan Police ang sunud-sunod na pagpatay sa lungsod na kung susumahin ay aabot sa tatlong katao ang napapatay araw-araw. (Orly L. Barcala)