Muling bubuksan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang “Botika ng Bayan” gamit ang pondo mula sa Philippine Gaming and Amusement Corp. (Pagcor) upang mabigyan ng murang gamot ang mga maralitang Pinoy.

Sa news conference nitong Miyerkules ng hapon sa Rizal Provincial Police Office sa Taytay Rizal, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang lahat ng kinita ng Pagcor, na nagkakahalaga ng P30 hanggang P35 bilyon, ay gagamitin para sa medisina ng lahat ng Pilipino.

“So punta lang sila sa City Health... and I hope it (funds) will be utilized correctly,” diin ni Duterte. “Ayaw ko yang nakawan ng medisina, bakuna, cutting dito, cutting doon…Gagamitin lang ito para sa medisina ng tao so para walang mag-uwi nang hindi makabili ng medisina.” (Elena L. Aben)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'