Binalaan kahapon ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur ang mga Pilipinong paalis ng Pilipinas sa pamamagitan ng Western Mindanao at sa Sabah upang makapagtrabaho abroad, na ilang kababayan na ang inaresto ng mga awtoridad sa Sabah at nakakulong ngayon sa Malaysia dahil dito.

Dahil sa paghihigpit laban sa human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport at ibang paliparan sa bansa, idinadaan ng mga illegal recruiter ang kanilang mga biktima sa Zamboanga o Tawi-Tawi patawid sa Sabah patungo sa mga lugar sa Middle East gaya ng Dubai.

“Being made to exit via Zamboanga or Tawi-Tawi is a sure tell-tale sign of illegal trafficking and should ring alarm bells to job-seekers, otherwise, they risk apprehension by Sabah authorities for unauthorized entry or fall victim to sex and other traffickers along the way,” babala ng Embassy.

“If the job offer requires the applicant to exit through Mindanao, it is most likely a human trafficking ploy,” dugtong nito. (Bella Gamotea)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists