“IT will be a naughty night,” promise nina Aljur Abrenica, Jake Vargas, Derrick Monasterio, at Rocco Nacino sa magaganap sa Oh Boy Concert, ang kanilang first major concert sa Music Museum on September 23 (Friday), 8:00 PM.
Una silang nagkasama-sama sa Sunday All Stars ng GMA-7 na madalas sing and dance ang kanilang production numbers.
Kaya thankful sila na nabigyan sila ng pagkakataon ng kanilang mother studio na ipag-produce ng concert.
Pare-parehong sought-after leading man ang apat kaya panay ang biruan kung paramihan ba sila ng fans na manonood.
Ayon kay Aljur, dream nilang mabuo na sila as a boy band after ng Music Museum concert nila, at magtuloy ito sa mall tour at hopefully, album na magkakasama silang apat. Sina Aljur, Derrick at Jake ay pare-pareho nang may album, si Rocco na lang na mas concentrated sa acting ang wala pa.
For the concert, kumuha ng voice lessons si Rocco para ‘di naman siya masapawan nang husto ng tatlo.
Magkakaroon sila ng kani-kaniyang character na ipakikita sa concert. Motorbike rider si Aljur, isang police officer si Rocco, pizza delivery boy si Jake, at si Derrick kung ano raw ang ma-feel niya that moment iyon ang gagawin niya dahil naughty professor siya.
Dagdag pa nila, basta lahat ng isusuot nila sa concert, madaling tanggalin kaya kailangan daw lakasan ang aircon sa Music Museum dahil paiinitin nila ito.
Bukod sa duets at group singing ay may solo-solo rin silang gagawin. Basta gagawin daw nila ang best nila para hindi mabitin ang mga manonood sa kanila. Tutugtog ng gitara si Jake habang inaawit ang bagong song ng The Chainsmokers.
Sinabihan naman si Derrick ng press people na huwag na siyang magpaka-classic song at sumabay sa mga kasama niya sa bagong tempo ng kanta.
Pare-parehong loveless at sabi’y wala raw kasi silang time for love, nagkabiruan kung iimbitahin ba nilang manood ng concert ang ex-girlfriends nila, like si Kylie Padilla at si Louise delos Reyes for Aljur, si Bea Binene for Jake, si Lovi Poe for Rocco at si Issa Pressman for Derrick. Biro ng apat, why not, welcome na welcome, pero dapat bumili ng tickets ang mga ito kasi paano raw kikita ang concert kung libre.
Very special guest nila sa gabing iyon si Julie Anne San Jose.
Produced by Dreamstar Events, in cooperation with Bluewater Day Spa and GMA Corporate Communications, mabibili na ang tickets ng Oh Boy Concert priced P1,500, P 2,000, P 2,500 sa lahat ng Ticketworld and Ticketnet outlets.
(NORA CALDERON)