Ipinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang halos isandaang puganteng dayuhan na naaresto ng ahensiya sa loob ng pitong buwan.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang 98 dayuhang pugante na naaresto simula Enero hanggang Agosto 10, ay higit doble ng 43 wanted na dayuhang nahuli ng kanilang Fugitive search unit (FSU) sa parehong panahon noong 2015.

Batay sa talaan, pinakamarami ang naarestong South Korean sa 61, sinundan ng mga Chinese (16), American (15), Taiwanese (3), German (1), Canadian (1), Australian (1), Bangladeshi (1), at Pakistani (1). (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'