MANGALDAN, Pangasinan – Dalawang sinasabing carnapper na tumangay sa isang motorsiklo noong nakaraang linggo ang nadakip ng pulisya sa Barangay Nibaliw nitong Miyerkules.

Kinilala ni Insp. Enrique M. Columbino ang nadakip na sina Jaysun Cabanlig, 31, ng Bgy. Nibaliw; at Ogie Cuison, 27, ng Bgy. Poblacion, kapwa sa Mangaldan, Pangasinan.

Nakuha mula sa mga suspek ang carnapped umano nilang Honda XRM motorcycle na walang plate number.

Ayon sa report, Agosto 18 nang tangayin ang nabanggit na motorsiklo sa MH Del Pilar Street habang bumibili ng gamot ang may-ari nitong si Paul Ramos, 26, ng Barrera Street, Pantal District. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar