NEW YORK (AP) — Nakamit ni Serena Williams ang No. 1 seed sa women’s competition, habang si Novak Djokovic ang top seed sa men’s division sa US Open na papalo sa Lunes (Martes sa Manila).

Gaganapin ang draw sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Kapwa nasibak nang maaga sa Rio Olympics sina Williams at Djokovic. Ikinatwiran ni Williams ang pananakit nang kanang balikat, habang binanggit na dahilan ni Djokovic ang pamamaga ng kamay.

Nanatiling No. 1 sa world ranking si Williams, sa kabila ng kabiguan sa Rio. Ngunit inaasahang mauungusan siya ng No. 2 na si Angelique Kerber sa mga susunod na linggo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang ikalimang pagkakataon sa kanyang career na nakuha ni Williams ang pagiging top seed sa pamosong Flushing Meadows. Tangan niya ang anim na titulo sa isa sa apat na major championship sa kalendaryo ng WTF.

Sa nakalipas na taon, nasorpresa siya ni Roberta Vinci ng Italy sa semifinals.No. 3 seed si Garbine Muguruza at No. 4 si Agnieszka Radwanska.

Kasunod ni Djokovic, ang defending champion, si No. 2 Andy Murray, No. 3 Stan Wawrinka at No. 4 Rafael Nadal.