KABUL, Afghanistan (Reuters/AFP) – Labindalawang katao, kabilang ang pitong estudyante, tatlong pulis at dalawang security guard, ang namatay sa pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa American University of Afghanistan sa Kabul, sinabi ng pulisya nitong Huwebes.

Ayon kay Fraidoon Obaidi, hepe ng Kabul police Criminal Investigation Department, 44 katao ang nasugatan, kabilang na ang 35 estudyante.

Napatay ng security forces ang dalawang pinaghihinalaang militante at nagtapos ang mahigit 10 oras na pag-atake sa compound, na nagsimula Miyerkules ng gabi. Nagpasabog at nagpaulan ng baril ang mga salarin pagpasok na eskuwelahan na nagbunsod ng pagtakbuhan at pagsigawan ng mga estudyante.

Nangyari ang pag-atake ilang linggo matapos ang pagdukot sa dalawang university professor – isang American at isang Australian -- malapit sa eskuwelahan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina