Agosto 25, 1609 nang i-demonstrate ng Italian astronomer at natural philosopher na si Galileo Galilei ang una niyang telescope sa Ventian Senate. Dahil dito, dumoble ang kanyang suweldo sa unibersidad kung saan siya nagtuturo.
Panahon ng tagsibol noong taong iyon, natutunan niya ang isang instrument sa Netherlands na nagpapakita nang malapitan sa mga bagay na nasa malayo. Binuo niya ang three-powered spyglass mula sa mga lente matapos madiskubre ang sikreto ng imbensiyon.
Pagsapit ng taglagas, nagsimula siyang obserbahan ang kalangitan gamit ang mga instrumento na kayang mapalapit ang mga bagay ng 20 beses.
Dahil sa telescope, nadiskubreng hindi makinis ang buwan, at nalamang may mga buwan din sa Jupiter.