BRUSSELS (Reuters) – Kinilala ng Belgian police ang babae na nanaksak at sumugat sa tatlong katao sa isang bus sa Brussels noong Lunes na isang 52-anyos na nagmula sa Pilipinas, na ayon sa kanila ay hindi politika ang motibo.

Ang babae, inakusahan ng attempted murder, ay hindi pa isinasalang sa pagtatanong ng prosecutors dahil ginagamot pa ito sa isang ospital matapos mabaril ng mga pulis sa isang abalang kalye, ayon kay spokesman Xavier Dellicour noong Martes.

"No motive is being ruled out at this stage but terrorism is not the most likely case," sabi ni Dellicour.

Nakalabas na sa ospital noong Lunes ang tatlong nasugatang biktima. Ayon sa mga saksi nagkaroon ng pagtatalo sa No. 38 bus at bumunot ng patalim ang suspek. Dalawang beses siyang binaril ng mga pulis matapos bumaba ngunit tumangging makipagtulungan.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

Hindi pa inilalabas ang pangalan ng Pinay.