Laro Ngayon

(Alonte Sports Arena,

Binan, Laguna)

5 n.h. -- Tanduay vs Phoenix

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Wala ng bukas. Matira ang matibay sa pagitan ng Phoenix at Tanduay.

Magtututos ang Accelerators at Rhum Masters sa sudden death para sa korona ng 2016 PBA D-League Foundation Cup.

Nakatakda ang duwelo sa ganap na 5:00 ng hapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Naipuwersa ng Rhum Masters ang do-or-die nang gapiin ang Accelerators, 89-72, sa Game 2 ng kanilang best-of-three title series.

"It's just our instinct to survive. We're holding on to nothing but ourselves." pahayag ni coach Lawrence Chongson.

Nagposte si Gelo Alolino ng 26 puntos upang buhayin ang tsansa ng Rhum Masters sa asam nilang unang kampeonato.

Itinuturing na underdogs sa series, naniniwala si Chongson na kaya ng Tanduay na maangkin ang target na titulo.

"People are already writing us off, but it's a testament na habang may buhay, may pag-asa," aniya.

Para kay Phoenix coach Eric Gonzales, walang rason para ipaliwanag ang kanilang masamang laro sa Game 2.

"They deserved to win because they outhustled us," aniya. (Marivic Awitan)