Nagpalit ng eskedyul ang Department of Education (DepEd) para sa pagdaraos ng National Career Assessment Examination (NCAE) sa taong 2016-2017.

Sa memorandum ni Education Secretary Leonor Briones, na may petsang Agosto 23, hindi tuloy ang NCAE sa Agosto 30 at 31, sa halip ay isasagawa ito sa Disyembre 7 at 8, 2016.

Sasabak sa pagsusulit ang mga estudyanteng nasa Grade 9 na naka-enroll sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Ang NCAE ay assessment sa mga estudyante kung saan sila mahusay. Ang resulta ng pagsusulit ay magbibigay ng gabay sa mga estudyante kung anong kurso ang kanilang kukunin pagpasok sa kolehiyo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi naman ng DepEd na importante ang NCAE upang maiwasan ang job mismatch, pagpababa sa unemployment rate at baliktarin ang brain drain phenomenon. (Merlina Hernando-Malipot)