Sinampahan ng kasong perjury at paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) sa Sandiganbayan ang isang opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) dahil sa pagsisinungaling sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth.

Sinabi ng Office of the Ombudsman na nakitaan ng probable cause ang reklamo laban kay NIA Region X manager Julius Maquiling na hindi binanggit ang trucking business nito sa kanyang SALN noong 2009.

“A lifestyle check conducted by the Ombudsman on Maquiling showed that he owned JS Maquiling Marketing, contrary to his declaration in his 2009 SALN that he had no existing business interests and financial undertakings,” diin ng Ombudsman. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?