“MAY boyfriend siya, kunwari lang wala para maraming magkainteres.”

Ito ang nadulas na sabi sa amin ng kaanak ng isang nag-aartistang girl na kasama sa isang programa.

Kumunot ang noo namin, bakit kailangan pang itago ang karelasyon?

“Eh, kasi sinabihan siya ng executive ng show na huwag aminin para raw kiligin pa ang boys sa kanya,” mabilis na sagot sa amin.

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

True enough, nagkainteres na tuloy kaming panoorin ang programa na kinabibilangan ng nag-aartistang girl at napanood naming may kaartehan nga, parang put-on lang ang ipinapakita niyang ugali sa mga kasamahan.

Kaya binalikan namin ng tanong ang katsikahan naming kaanak ng nag-aartistang girl, parang may tagong ugali ang pamangkin niya.

“Grabe ka naman, wala naman, ganu’n lang talaga siya, spoiled kasi kaya ganyan. Pero mabait naman, medyo naninibago pa lang siya sa showbiz,” paliwanag sa amin.

Giit namin, paano maninibago, e, kinalakihan naman niya ang showbiz dahil nag-showbiz din ang mga kaanak niya at gusto nga niyang sundan ang mga yapak nila, di ba?

“Hayaan mo na, mababago rin ‘yan ‘pag nasanay na, concern lang namin, sana tanggapin siya ng outside world at huwag mabuking na may boyfriend siya,” tumawag sabi sa amin.

Imposibleng hindi mabuking dahil public property na ngayon ang pamangkin niya dahil pumasok na nga sa showbiz. At higit sa lahat, hindi rin maitatago ang tunay nitong ugali dahil sisingaw at sisingaw din lalo na kapag natapat siya sa co-actors na madadaldal at hindi siya feel kasama.

Kaya mabuti nang habang maaga pa ay ilabas na niya ang tunay niyang ugali at bahala na ang publiko kung tatanggapin siya o hindi. (Reggee Bonoan)