MUKHANG naguluhan ang karakter ni Megan Young sa comedy series na Conan My Beautician matapos ang first kiss nila ni Mark Herras noong nakaraang linggo.
Hindi alam ni Ava (Megan) kung ano ang kanyang mararamdaman nang halikan siya ni Conan (Mark). Dahil ang alam niya ay beki si Conan, iniisip ni Ava na imposible na may maramdaman siya sa kanyang “fake boyfriend”. Pero hindi mapagkit sa utak ng dalaga ang halik ni Conan.
Samantala, mukhang sigurado na sa kanyang nararamdaman si Conan. Ano ba ang dapat niyang gawin ngayong marami siyang itinatago kay Ava? Lalayo ba siya o lalong lalapit sa babaeng nagpapatibok ng kanyang puso?
Lalo pang gugulo ang sitwasyon dahil gagawin nina Chika (Cacai Baustista) at Prince (Rodjun Cruz) ang lahat upang mapigilan ang napipintong love story nina Conan at Ava.
Ang may-ari naman ng Salon Paz na si Mrs. Paz (Vangie Labalan), mabibiktima ng budol-budol gang. Ano ang mangyayari kay Conan at sa mga kasama niyang beauticians kung magsasara na ang salon?
Huwag palampasin ang Conan My Beautician ngayong Linggo, 5 PM, pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA-7.