TANAY, Rizal – Magaganap ang madugong labanan kapag sinubukan ng China na sakupin ang Pilipinas dahil sa ‘territorial claims’ nito.

Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, kung saan binigyang diin nito na hindi basta igi-give up ng pamahalaan ang bansa sa mga dayuhang mananakop.

“I guarantee to them kung kayo ang pumasok ditto, it will be bloody and we will not give it to them easily,” ayon sa Pangulo sa pagbisita nito sa Camp Capinpin in Tanay, Rizal.

Sinabi ng Pangulo na siya at kanyang security forces ay handang ibuwis ang kanilang buhay, maproteksyunan lang ang integridad ng teritoryo ng Pilipinas. (Genalyn Kabiling)

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5