Isusunod na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korap na opisyal ng gobyerno, kung saan uumpisahan na umano ng Pangulo na patalsikin ang mga ito, kung hindi sila magkukusang magbitiw sa pwesto.

“You have been in graft for so many years and for so many decades, you have to go,” ayon sa Pangulo.

Sa oath taking ceremony ng business group sa Malacañang noong Martes, sinabi ng Pangulo na lilinisin na nito ang gobyerno at wawalisin na ang mga kurakot na opisyal.

Kapag hindi nagsipagbitiw sa pwesto, malamang ay mapuwersa umano ang Pangulo na pangalanan din ang mga ito, tulad ng ‘name-and-shame’ campaign, kung saan ibinunyag sa publiko ang pangalan ng mga sangkot sa droga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Maybe I will just also declare them just like the hunted men sa droga para matapos na ang kalbaryo ng Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

Plano rin ng Pangulo na i-review ang corruption cases na isinampa sa Office of the Ombudsman. Kapag tatlong taon na umano ang kaso, sinabi ng Pangulo na “there is no reason at all to hang on them. Better go.” (Genalyn Kabiling)