Nais alamin ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo E. Abu kung nakikinabang o naire-remit sa mga local government unit (LGU) na pinagkukuhanan ng enerhiya ang nakukolektang buwis mula dito ng Department of Energy (DOE).

Naghain si Abu ng House Resolution 104 na umaapela sa House Committee on Ways and Means at Committee on Energy na beripikahin kung sumusunod ang energy-generating companies sa kanilang obligasyon na ibigay ang kaukulang bayad para sa benepisyo ng barangay, munisipalidad o lungsod, probinsiya at rehiyon na matatagpuan ang kanilang mga operasyon, alinsunod sa itinatakda ng inamyendahang Energy Regulation No. 194. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'