Nadakip na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS) ang dalawang lalaki na umano’y pumatay sa isang negosyanteng Chinese sa Sampaloc, Maynila noong 2014.

Ayon kay SPO2 Richard Escarlan, sinampahan na nila ng kasong murder ang mga suspek na sina Jayvee Marinas, 30, tricycle driver; at Richmond Perez, 28, delivery boy, kapwa residente ng 836 Valdes Street, Sampaloc dahil sa umano’y pagpatay kay Mary Li, 58, at franchise owner ng Mang Inasal.

Samantala, pinaghahanap naman ng mga pulis ang isang lalaki na itinuturong “mastermind” sa krimen na hindi muna pinangalanan, at sinasabing kasosyo sa negosyo ng biktima.

Ang kasosyo umano ng biktima sa negosyo ang nag-utos at nagbayad ng P50,000 kina Marinas at Perez para patayin ang biktima noong Agosto 9, 2014. (Mary Ann Santiago)

Metro

Intramuros, mapupuno ng pagtatanghal buong taon—NCCA