CABANATUAN CITY – Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI)-Nueva Ecija na bukas ang tanggapan nito upang umagapay sa pamilya ng mga sumusukong tulak at adik para makahanap ang mga ito ng disenteng mapagkakakitaan.

Ayon kay DTI-Nueva Ecija Director Brigida Pili, tutulong ang kagawaran upang magbigay ng training sa mga sumuko para makapagbukas ang mga ito ng maliit na negosyo at nang hindi na bumalik sa ilegal na gawain.

Kaugnay nito, iginagayak na ng Provincial Peace and Order Council ang pagdaraos ng Drug Summit na tatalakay sa mga programa ng gobyerno upang makapagsimulang muli sa buhay ang mga dating sangkot sa droga. (Light A. Nolasco)
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar