Inanyayahan ng Gemmalyn Crosby Sports Festival (GCSF) ang lahat ng fitness enthusiast na lumahok sa idaraos na Philippine Fitness & Wellness Expo sa Setyembre 3 sa SMX Convention Center.
Sa nakalipas na dalawang kaganapan sa GCSF, si Crosby ay nakipag-tambalan sa Philippine Committee of Bodybuilding Federation (PCBF). Ang ganitong adhikain at sapat na para tanggapin ang lahat anuman ang kanilang affiliation.
“I really want to join, or even just to visit as a guest, but we have been told that it’s prohibited. Otherwise, we will be banned from the PCBF organization,” pahayag ng isang bodybuilder.
Isa pang babaeng bodybuilder ang umaming nakatanggap siya ng impormasyon na ang lalahok sa GCSF event ay hindi papayagang sumabak sa Shawn Rhoden PCBF event sa Oktubre.
“This is the reason why sports in the Philippines does not progress. I have big plans for all Philippine Sport
Organizations who partner with GCSF and the future is bright for all athletes. Because of my love for this sport, I now reside full time in the Philippines to give every athlete the opportunity to become internationally recognized without fear of getting banned or fined by organizations that try to control their competitors,” pahayag ni Crosby.
Nanatili naman ang suporta ni Ms. Regine Tolentino sa layunin at programa ni Crosby.
“Gemmalyn makes me proud to be a Filipino, because she keeps on coming back home to share her talents, her resources, everything she has to her. She truly wants to promote the sport in our country,” aniya.
Pinuri rin ng dating junior bantamweight at bantamweight titleholder sa boxing na si Gerry Peñalosa si Crosby, isang mixed martial artist at certified personal trainer.
Sa kabila nang mga nagatibong balita, kumpiyansa si Crosby na ang 2016 Filipino Fitness and Wellness Expo ay ang pinakamalaking kaganapan ng taon, sa pagkakaloob sa lahat ng atleta ng international exposure at pagkilala.
Nakapaloob sa multi-sport event ang pinakamagaling, gayundin ang mai-promote ang pinakabagong uso sa fitness, sports at wellness industry. Mga atleta, sports enthusiasts at celebrity guests ay kabilang din sa programa.
Kabilang sa mga event ay ang Filipino martial arts & arnis Championships, Bodybuilding Championships, karatedo championships, arnis best of the best of the Philippines, Filipino Martial Arts, table tennis games and exhibitions, yoga classes, boxing, at zumba at marami pang iba.
Mabibili ang tickets sa SM Tickets (www.smtickets.com). Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang website sa www.philippinefitnessexpo.com o tumawag sa 09226882982.