SAN SALVADOR, El Salvador (AP) – Lumagda ang mga pangulo ng Honduras, Guatemala at El Salvador sa kasunduan na lilikha ng joint force para labanan ang street gangs sa rehiyon.
Karamihan ng mga gang ay kumikilos sa mga hangganan at sinisisi sa mataas na antas ng drug trafficking, homicide at extortion sa tatlong bansa.
Sinabi ni Salvadoran President Salvador Sanchez Ceren na igagarantiya ng puwersa ang mas malawak na seguridad at kapayapaan para sa mga mga residente ng tatlong bansa. Magbabahagian din sila ng intelligence at pabibilisin ang extradition ng mga suspek.