BATANGAS - Kinumpirma ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) Director Senior Supt. Leopoldo Cabanag, Jr. na isinuko ng dating alkalde ng Bauan ang sampung baril nito matapos mapabilang sa listahan ng mga “narco-politician” ni Pangulong Duterte.

Pawang lisensiyado ang matataas na kalibre ng baril na nakarehistro kay Ryanh Dolor, dating alkalde at anak ni incumbent Bauan Mayor Herminigildo Dolor.

Ayon sa record ng BPPO, isinuko ng dating alkalde ang limang 5.56 caliber, apat na caliber 7.62, at isang .45 caliber pistol.

“Wala pa naman siyang (Ryanh Dolor) kaso pero kung may lilitaw na witness (tungkol sa pagkakabilang niya sa narco list), tingnan natin,” sabi ni Cabanag.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Samantala, nasa 60% na umano ng lalawigan ang cleared sa droga, alinsunod sa Oplan Tokhang, ayon kay Cabanag. (Lyka Manalo)