Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- Perpetual vs Benilde

4 n.h. -- EAC vs Arellano U

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Makatabla sa pamumuno ang tatangkain ng Arellano University sa pagsalang kontra Emilio Aguinaldo College sa tampok na laro ngayon sa NCAA Season 92 men's basketball tournament sa San Juan Arena.

Isang panalo lamang ang agwat ng Chiefs sa kasalukuyang lider na San Beda na may barahang 10-2.

Tatangkain ng tropa ni coach Jerry Codiñera na maulit ang 88-82 panalo nila sa Generals noong Hulyo 26.

Bagama’t pinapaboran sa nasabing laro, walang plano ang Chiefs na mag-relax.

"We just have to work harder especially on our defense," pahayag ni Codiñera.

Mauuna rito, sisikapin ng University of Perpetual Help na tumatag sa third spot sa pamamagitan ng pagbangon mula sa di inaasahang kabiguan sa kamay ng San Sebastian College.

Haharapin nila ang wala pa ring panalong St.Benilde (0-11) sa ganap na 4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)