Suspected drug pusher and alleged cohort of suspected drug lord

CEBU CITY – Arestado ang 55-anyos na nag-iisang anak ng dating alkalde ng Maasin, Southern Leyte at pinaniniwalaang kasabwat ng sinasabing drug lord ng Eastern Visayas na si Rolando “Kerwin” Espinosa, Jr. makaraang makorner sa loob ng isang pension house sa Barangay Lorega, Cebu City, kahapon ng madaling araw.

Dinakip ng mga pulis si Roderic James Espina, 54, kaisa-isang anak ng yumaong si Maasin Mayor Edgarino Espina, mula sa nirerentahan niyang kuwarto sa Allsons Inn sa Bgy. Barangay Lorega, pasado 5:00 ng umaga kahapon.

Natagpuan mula sa silid ni Espina ang isang plastic bag ng marijuana, isang sachet ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, isang .45 caliber pistol, at isang .22 caliber revolver.

Human-Interest

Biyuda ni Enzo Pastor na umano'y mastermind sa pagpatay sa kaniya, tinutugis na!

Umano’y ipinagyayabang sa mga empleyado ng Allsons Inn na may kaugnayan siya kay Kerwin Espinosa, Pebrero 2016 pa nakatuloy sa lugar si Espina, at nagbabayad ng P19,000 na buwanang upa.

Gayunman, nang arestuhin ay itinanggi ni Espina na kakilala niya si Espinosa, na sinasabing pangunahing drug lord sa Eastern Visayas at maging sa ilang bahagi ng Cebu.

Lolo sa apat na bata, inamin ni Espina na gumagamit siya ng droga simula noong 18 anyos pa lang siya, ngunit ikinonsidera kamakailan ang pagsuko sa pulisya.

Natuklasan din ng pulisya na may arrest warrant si Espina para sa frustrated murder.

Sa Maguindanao naman, isinuko kahapon ni Datu Paglas Mayor Datu Thong Paglas sa Philippine Army ang pito niyang kaanak na sangkot sa droga.

Sumuko kay Lt. Col. Ricky Bunayog, ng 33rd Infantry Battalion, sa President Quirino, Sultan Kudarat sina Daud Pendatun, ng General SK Pendatun, Maguindanao; Glen Yousse Paglas Piang, ng Buluan, Maguindanao; Al-Amer P. Lugioman; Al-Muidz P. Lugioman, kapwa ng Mangudadatu, Maguindanao; Allen Piang; at Odin Piang, kapwa taga-Buluan; at Parhaisa Paglas, ng Datu Paglas, Maguindanao.

Sinabi ni Mayor Paglas na tatlo sa mga sumuko niyang kaanak ay sumailalim na sa drug rehabilitation program.

Kasama ang mga tauhan ni Bunayog at ang grupo ng alkalde, dinala ang mga sumuko sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cotabato City. (Mars Mosqueda, Jr. at Leo Diaz)