Tatlo umanong kilabot na tulak ang napatay matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang buy–bust operation sa Barangay San Jose, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni QCPD Director Police Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, isa lamang sa tatlong suspek ang nakilala at ito ay si Rosolfo Hallare y Somosa, alyas “Boboy”, 48, ng No. 154 Tendido Street, Bgy. San Jose, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni Police Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 2:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Laloma Police Station ang Oplan Tokhang, kasunod ng buy–bust operation sa bahay ni Hallare.

Sa gitna ng transaksyon sa pagitan ng mga suspek at poseur buyer, isa sa mga lookout ng grupo ng tulak ang nagsisigaw ng, “Mga hapon!” na ang ibig sabihin ay “Mga pulis” hanggang sa nagkapalitan na ng putok ang mga suspek at mga awtoridad. (Jun Fabon)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists