BAMBAN, Tarlac - Tatlong kabataan ang mahigpit ngayong iniimbestigahan ng pulisya matapos mahulihan ng mga pekeng pera na kanila umanong inimprenta sa isang Internet café sa Madapdap Resettlement sa Mabalacat City, Pampanga para ipambili sa isang tindahan sa Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac.

Sa ulat kay Chief Insp. Jovy Arceo, hepe ng Bamban Police, nakuha mula kay Khim Tizon, 21, ng Bgy. Sta. Lucia Resettlement, Magalang, ang isang P200 bill na ginamit niya para makabili ng limang stick ng sigarilyo sa tindahan ni Evangeline Manalansan, 59, ng Burgos Street, Bgy. San Nicolas, Bamban.

Ayon sa report, ipinagtaka ni Manalansan ang kulay ng pera hanggang matuklasang peke ito kaya agad niyang dinala si Tizon sa Police Community Precinct.

Ikinanta naman ni Tizon ang dalawa pa niyang kasamahan, isang 16-anyos na lalaki at isang 17-anyos na lalaki, na nadakip at nasa kostudiya na ngayon ng Bamban Municipal Social Welfare and Development Office. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito