Kinasuhan ng paglabag sa immigration laws ng Pilipinas ang 25 naaresto nitong Lunes dahil sa ilegal na droga at cybercrime sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

Ibinunyag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na kinasuhan na ang 18 Taiwanese at pitong Chinese dahil sa pagiging undesirable alien, at isasailalim sa deportation proceedings.

Gayunman, sinabi ni Morente na hindi agad na maide-deport at mapapabilang sa blacklist ang mga dayuhan habang nakabimbin sa korte ang mga kasong kinahaharap ng mga ito. (Mina Navarro)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito