CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Labimpitong pulis at limang demolition crew ang nasugatan nitong Martes matapos tinangkang pigilan ng mga informal settler ang paggiba sa kanilang barung-barong sa isang pribadong lupa sa Sitio Patungan, Barangay Sta. Mercedes sa bayang ito, iniulat kahapon ng Cavite Police Provincial Office (CPPO).

Sinabi ni CPPO Information Officer Supt. Janet Lumabao Arinabo na hinostage rin ng mahigit 100 residente ang 43 security guard ng kumpanya ng developer, bagamat pinalaya rin dakong 4:00 ng hapon matapos ang negosasyon ng pulisya at mga pinuno ng illegal settlers.

Sa isang panayam, sinabi ni Arinabo na nagpatuloy pa rin hanggang kahapon ang negosasyon dahil patuloy na tumatanggi ang mga residente na lisanin ang lugar.

Sa isang report, sinabi naman ni Arinabo na agad na nagamot ang 22 nasugatan sa insidente—17 mula sa Region IV-A Public Safety Battalion (RPSB) Unit at PPO Public Safety and Management Company (PSMC), at limang demolition crew.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid na nagpaulan ng malalaking bato at matutulis na bagay ang mga residente habang ginigiba ang 16 sa 68 barung-barong sa lugar nitong martes. (Anthony Giron)