Naging matagumpay ang pagsalakay ng barangay chairman at mga barangay tanod sa isang drug den sa pagkakalambat ng 10 lalaki na naaktuhan umanong humihithit ng shabu sa bahay ng isa sa mga suspek sa Caloocan City, noong Martes ng gabi.

Ayon kay Punong Barangay Edgar Galgana ng Barangay 28, kinilala ang mga suspek na sina Marlon Alacantara, Regalado Lopez, Noel Fabriga, Dario Policarpio, Rowel Busano, Rodolfo Dinura, Aldrin Gonxzaga, Arjay Alejandro, Freddie Abalos at Ramon Cabuenas, mga residente ng nasabing barangay.

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa 10 suspek nang may tumawag sa barangay hall kaugnay sa nagaganap na pot session sa bahay ni Lopez sa Block 18, Dagat-Dagatan, Bgy. 28, dakong 11:00 ng gabi.

Dahil dito, ipinatawag umano ni Galgana ang mga barangay tanod at pinuntahan ang address na ibinigay ng caller.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

“Ito pong mga naaresto ay pinagsabihan na namin na maglubay na sa paggamit ng ilegal na droga, kaso matitigas talaga ang mga ulo, eh.” sambit ni Galgana. (Orly L. Barcala)