BORACAY ISLAND - Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga operatiba ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagkakaaresto sa 17 Taiwanese at pitong Chinese sa isla ng Boracay.

Ang mga dayuhan ay sinasabing bahagi ng cybercrime at drug group na nalansag ng pulisya. Iniimbestigahan ang mga ito sa salang cyber fraud at pagbebenta ng party drugs, tulad ng ecstasy, at cocaine.

Mula sa Camp Crame, sinugod ng mga imbestigador ang Boracay at matapos ang imbestigasyon sa nasabing tourist spot ay dadalhin sa Maynila ang mga nakumpiskang laptops, routers at iba pa, upang suriin.

May mga dokumento ring nakumpiska ang mga awtoridad, na pinaniniwalaang naglalaman ng transaksyon ng grupo sa China at Taiwan. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito