Pinaulanan ng bala ng tatlong ‘di kilalang lalaki ang isang tricycle driver habang nagpapahinga at nagpapahangin sa harapan ng kanyang bahay sa Port Area, Manila, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Melchor Escalante, 34, miyembro ng “Commando Gang”, ng 11th Street, Port Area, Manila, bunsod ng tinamong 12 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran, na isinumite kay Police Sr. Ins. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid na dakong 3:30 ng madaling araw nang pagraratratin ng mga armado si Escalante.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Noel, kauuwi lamang niya nang madatnan ang kapatid at sinabihan ito na may napansin siyang tatlong lalaki na palakad-lakad sa tapat ng kanilang bahay.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

Maya-maya pa’y nakarinig na lang umano si Noel nang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa bumulaga sa kanyang harapan ang nakahandusay na kapatid. (Mary Ann Santiago)